FOREWORD:
If death came in bad news, then I’m a rotten corpse buried six feet below the ground with a forgotten tomb by now. I supposedly conjure blog blabs if a special event happened or if it’s harvest time for the sweet succulent fruits in the futile farm of my brain. And this entry is a combo of both, until harvest was too late and special events lead to a morning of stupid alibis and a spoonful of my mom’s bratatat of words.
This is my ghost reaching out to you, hi-tech style.
***
ALPHABET MASTERY LEVEL 2: A HOMAGE
As we accumulate age, accepting arduous activities is an aspect that anchors accurate analysis with aching anxiety at the actual time. Blinded by this baffling buzz, we basically bask ourselves to benign bases, that, by and by bullies us to the bushes and beats us by the belly. We consequently choose churning our chances and charring our charisma that our character cusps. Denying duty is a disgrace. Everything ends and eventually we must extract and embrace its essence even if elucidates an evolution equivalent to eras extinct. In this feat, I feel, a Fahrenheit in high fences must be fastened in order to fetch many facets that falls farther forward to face fantods with frown faltered. The gapping galaxy is a grand gateway to grabbing gargantuous getaways that we should be gorging in it. But heaps of happenings in a human harbors haunt in our heads and hearts. Inevitable it may appear, but indigestion of information can be intended as ideal by illegitimating immense imperative intuitions. And by justifying our jigs and jogs judiciously and not jocosely. It is key not just kibosh. Its also a lordly lesson to learn that living lavishly is as lowly as lending in lust. Minimizing on our miscellaneous matters may maximize meaningful merits and misery may be missed out more. Not taking in negativities is also a note-worthy notion. Its oblivious how open we are to oppression of others but to oblige ourselves to oblation is an obscurity. It is in our palms to make pact of peace and place pride in the past; this is a paragon. This qualification, if not done quaintly would only bring us to qualm. Resentment to a rude routine rests in a rank and file reason that seem rational, but would reek in a radical rate to some. Seeking out solutions to our sentiments should solidify sanctions of solidarity. The time has tendered that we take tedious tactics to take down troubled times. Ultimately, we must understand this undertakings from the ulterior to the umteenth or unboundedness of the usual upsetting. Virtues are of vast value to veer the veins of vehement but venial vices. Wasting wagers over wrongful wars would only want us to wash everything up. Don’t be xenophobic. Yond not on yester actions but yelp on the young that yokes the yearning of years. To zizz is to zig in the zealous zest of life.
***
SHET! MAHAL PA RIN KITA!
Bubot pa ako at hilaw sa pakikisama, tinuruan mo kong makipaghalubilo, makipagkulitan, magmahal at maging tao. Hindi ka naiiba sa karamihan nang unang pagsasama natin, aminado naman ako na nalaman ko lang ang bigat ng dating mo sa akin nung nawala ka. Higit kitang minahal nung wala ka na.
Mahigit tatlong taon ang inilagak mo sa piling ko, akalain mo iyon, TATLONG TAON! Halos di ko na namalayan, masayang masaya at kontento na kasi ako sa’yo. Wala na kong hinihingi pang iba, sabi ko pa nga sa sarili ko, hinding hindi kita papalitan. Tatlong taong pakikibaka sa relasyon, tatlong taon na nandiyan ka para lamang sa akin, tatlong taong tawanan, iyakan, harutan at kung ano-ano pa na ginawa nating dalawa, oo, nating dalawa lamang. Tatlong taon yon, akalain mo.
Nasanay na rin siguro ako sa’yo madalas tinotopak ka, asar na asar talaga ko sa’yo sa mga ganung panahon. Pasensya na kung lahat ng mura ay nasambulat ko na sa iyo. Tao lang ako, at alam kong hindi mo naman talaga kasalanan kapag di mo nagagampanan ang sumpa mo sa akin. Madalas rin naman akong may pagkukulang sa iyo, may mga panahon na hindi kita pinapansin, hindi napupunan ng atensyon at aruga. Patawad na. At alam kong sa huli, ako ang may kagagawan sa paghihiwalay natin. Muli, patawad.
Siguro nga may nakatagpo ka ng iba. Nung huli kong pagpaparamdam sa iyo, hindi na kita naabot. Nasaan ka na kaya? Sana hindi ka niya pinabayaan. Kung ganun lang rin, ibalik ka na lang niya sa akin. Ipaparanas ko sa iyo ang importansyang dapat mong tinatamasa.
Hindi ko alam ang gagawin ko nung nawala ka…
…pero sa ngayon, napalitan na kita.
***
HINDI LANG BAGANSYA ANG TULOY
Sa lahat lahat sa buhay ko, pinaka nagpapasalamat ako sa IYO!*
* IYO - tao na tumukukoy sa sino mang nakasama ko [jazz rosende]. E.g. pamilya, kabigan, kaklase, kalandian, jowa, nakasabay sa jeep/bus/fx/tricycle**, nakahingahan***, guro/propesor, crush na hindi niya alam na pinagnanasahan ko siya, mga nanunukso sa akin, mga panakaw at hindi panakaw tumingin sa daan tuwing nakalagpas na ako sa kanya, sa lalakeng nagyakult**** sa tabi ng bus na sinasakyan ko, sa mga pulubing nakagiliwan kong pagtripan, sa mga baby na lagi kong tinititigan at pinanggigigilan, sa mga baby na pinipicturan ko di ko naman kilala, nagaabot ng bayad sa jeep, nagpaputok ng hangin sa pwet at itinaas ang kili kili sa muka ko, sa mga nahawaan at hinawaan ko ng ano mang virus o bacteria, sa manikyurista namin, sa aso ko, sa sino mang nakasama ko sa isang moment ng buhay ko. Inaacknowledge kita at binuo mo ang pixelated kong buhay.
** dahil kung hindi ka dumating hindi napuno ang sinasakyan ko at naloka kakahitay yung driver.
*** dahil tulad ko, fan ka rin ng oxygen at polusyong bonus (?) nito.
**** explicit content, berde!
Katumbas nito ang labing walong taong hindi ninyo ako piagdamutan ng pakikisama. Utang ko sa inyo kung ano ako ngayon. Wag ka na lang sanang magpatubo.
***
EPILOGUE:
ang bahagi pagkatapos ng foreword ay pagpapahalaga ko sa mga letra, walang nilimbag na salita kung walang simbolo kung tawagin ay letra. Sinisimbolo rin nito na sa isang simpleng tao makakabuo ng isang tagpo, pangyayari, kwento o kasaysayan kasama ang ibang simpleng tao rin. Dahil sa inyo, binuo ninyo ang kasaysayan ko.
pangalawang bahagi nagpapahalaga naman sa SIM card ko. RIP! [nawala kasi cellphone ko e, pero may bago na kong number]
pangatlo, nagpapasikat lang ako sa inyo.
Pagkauwi ko, hindi ako makatulog kaya naglaro muna ko ng PSP. Walang pinatunguhan, YOU LOSE daw.