nilaga

Butil na ibinuga ng balat
Ang init, ang init na nagpupuyos
Naghahalinhinan ang hapdi at bawat tilamsik ng balat
sa pagsuyod sa nabubulok kong laman.

Pluk, pluuk…
Ang karera ng tunog at dampi.

Kinukusot ang balat kong inemprentahan ng yurak
Umaagos at kinakalong ang tuyong pighating nanuot sa bawat libag.
Pinupunan ng maligamgam na pag-asa.

Guguhit.
Hahalik sa paa.
Papatak sa kawalan.
Tatagos sa kinabukasan.

Editor’s note:
heres a treat, my first all filipino entry. Merry Christmas everyone :)

Pict0001 

batang lovestoned na nakapambatang pj’s ngayong pasko..

L-O-S-E-R!

2 Responses to “nilaga”

  1. beans Says:

    hahah!! mejo natawa ako sa unang part! prang ang ‘L’
    hahaha.. pang XEREX ba..
    chos! hahaha

  2. E r i c Says:

    infairness malalim ang obra mo, . .habang binabasa ko yan eh narereflect ka sakinm, . .
    yung ibinunga ka ng katamaran kaya ang masasabi ko lang ay, ..
    congrats @ napagisip ako ng obra mo!hahaha

    TAMA!\m/

Leave a Reply