Archive for March, 2008

me and electric fan: friends forever!

Sunday, March 30th, 2008

Makunat na dahon ang salit-salitang
sumasahimpapawid kasama ng nagpupuyos na galamay ng araw na tumutusok sa balat.
Ginigisa ang lahat ng biniyayaan ng kulay at sinunog hanggang maging
kulay-kaki. Pag-tingin sa malayo, pagewang-gewang na daan ang ilusyon ng
hanging isinumpa, tila tunaw ang mga kalsadang pinagkaitan ng suki. Binabarat
sa ulap ang panahon na tila nagsumiksik sa kung saang sulok ng mundo na malayo
dito. Masungit ang araw at parurusahan niya ang pagliliwaliw sa daan. Malungkot
naman ang mga isda dahil tila pinapakuluan ang languyan nila, at maging pagluha
nila ay hindi sapat upang mapunan ang mabubuting tubig na maagang pinaakyat sa
langit. Kasabay sa pagiyak ng mga isda ay ang pagtatampuhan ng lupa. Hiwa-hiwalay
at bitak-bitak sila, nandidiri sa isa’t-isa at ayaw magtabi. Nagmumukhang palad
sa dami ng linyang nagpapaekis-ekis. Tiklop na ang mga bulaklak na
bumubungisngis lamang sa kiliti ng matamis na hangin ng Disyembre, nakatiklop
na rin ang mga aspaltong palad. Nananawagan na ang mga manang at manong na matunaw
na ang mga ulap na tila suso kung gumapang sa kaasulan ng langit. Nanlilimahid
ang mga balat at hinahapo ang mga dila sa kalalawit, ngunit tuloy pa rin ang
panawagang pagtatanggol ng mga ulap sa pangaasar ng araw.

Ang mundo ay isang malaking pugon na
tumutusta sa mga halaman at nililiyaban ang mga puwit ng mga mamamayang
bumabaluktot sa latigo ng panahon. Ang maitim na gabi ang pumapatay sa hagupit
ng umaga, ngunit ramdam pa rin ang alab ng araw kahit na sa paghahari ng buwan.
Saklot tayo sa leeg ng araw at binubugahan pa ng maalinsangang usok mula sa bibig
nito. Tapos ay tinutuklap ang balat at ibinabaon ang mga kuko ng apoy sa ating
kalamnan. Nakakangiwi ang kasalukuyang kalagayan. Tayo’y inalisan ng
katiwasayan ng pakiramdam. Paos na ang konsensiya kakahiyaw sa langit ng
kaginhawaan. Labag man sa atin, ang pagtangkilik sa pangungutya ng araw ay
hindi matatakasan. Nilalamon tayo ng hindi makitang alab ng araw.








Haaaaaay, bakasyon nanaman.

how to keep up with a disease? fun sentence buster

Saturday, March 15th, 2008

faces have blushed red, boogers have turned green, and hearts, oh hearts drenched in bitterness swimming in streams of consciousness for the finish lines are marathons more to run soles and rolls of tissues come in command in the fates of the blues swinging voice shouting by the mega phone and dancing under the nasty toils of undercover plots by the higher ups wheat fields that once grew were trespassed by concrete and rooftops clever shepherds movie scripts and undone business calling cards left to open cans of sardines in tomato paste yes were all fishes in cans filled with blood the back of the hand it runs with greens and purples constant twitching and the guitar aches in pain for the unseen purpose of coming in between lovers of lost love and the foes that we once knew pointed the gun for solitude he said we all knew better i was just the pink thread wrapping timidness forever deemed by your demeaning causes swayed by the paper boats of youth the swoosh of the wind made me change my mind and no was restated several ways the french and the italian fought pointed nose against rubbish feet-pajamas sliding to the left, to the left is nowheres land open accuracy failed to deliver this time you pinned the combination wax lifted the bruises of my skin arriving here was your fault felt your velvet tounge between my crusted toes  veins throbbed on your forehead you know im accessible of all people your the one who can pull the trigger and free as the bee in a saoilr hat and gloves tear me through the back yelled ahoy! ahoy! ahoy! the kid skidded down tic-toc mocked me the juices and dairies were sweet as your first crush on a boy across the mudded down play place the peak is yet to come and everything would be as it is when you wake up.

editor’s note:
inspired by the beatles.